kinailangan ni denden na mag pahinga muna sa probinsya... ang akala namin tatlong buwan lang syang mawawala... kaso nag iba ang plano
nagkayayaan na magpadespedida para sa kanya... the friday bago sya lilipat ng matutuluyan pansamantala bago sya lilipad papuntang probinsya... dahil may mga tao talagang sadyang... basta!
dahil may ibang housemates na hindi pa nakakain sa ayala triangle gardens, the group decided to meet there... nauna ang engaged couple na sina S&M. nag pareserve ng table sa Kanin Club...
pagdating ng ibang girls, nag pre-order na kami...

since Friday eto at Lenten season... puro seafoods at gulay ang inorder... like this kilawin na tanigue or ceviche...
eto naman ung mixed seafoods dish nila...
si M umorder ng crispy pork ... maskara at tenga ata eto... di rin namin natiis kaya pinapak rin namin sa huli...
eto naman sinigang na tilapia ata... para kay denden
eto naman ung bagoong rice nila... sinangag na kanin na may halong bagoong at hilaw na mangga... gustong gusto ni attorney eto
habang nag aantay kay denden, kuwentuhan muna...
dumating si denden... pinaupo sa kabesera... kaya nalate, may mga pinagawa pa raw ang boss nya na last minute...na naman!!! paalis na nga ung tao eh
si cgmajah kinukunan ako habang kinukunan ko ang magandang profile ni FA-to-be namin...
ang ganda ng triangle pag gabi kaya di namin natiis na mag photoshoot... medyo blurry lang kasi di pa masyadong kabisado ang camera... we started with the engaged couple...
sunod ang naggagandahang kingswood girls...
pa tweetums ang dalawang S...
mabuti na lang umabot pa si FA-to-be ng magandang shot na eto bago kami pinagbawalan ng guard... keep off the grass nga naman...
pagkatapos ng photoshoot, bumili ng dessert sa banapple...

definitely a night to remember!





















No comments:
Post a Comment