first time namin lahat na pumunta ng bicol... tour guide namin si bunso at sa bahay nila kami manunuluyan... sabi 9 hours ang byahe... ang alis namin 9 ng gabi mula pasay terminal... and dating namin sa naga city, mga 6 ng umaga... fair enough... destination ~ polangui, albay
hiwa-hiwalay kami ng seats sa bus... buti at may seats pa.... medyo late na kasi kami naka pag book ng tickets...
syempre ang magkapatid na bunso at cgmajah... magkatabi... nagkataon na may dalawang upuan na magkatabi kaya ayun... wacky pics muna bago umarangkada ang bus...
kahit papano nakatulog din naman kami sa overnight trip... paggising namin... nasa bicol na kami... ang ganda ng sunrise...
bumaba kami ng polangui, albay, sa hometown ni bunso...
pagdating namin sa bahay nila, nagpahinga ng konti at nag photoshoot muna...
dito namin unang napagtanto na ang galing mag pose ni sheena... at kahit anong anggulo... maganda...
nakahanda na ng almusal ang mommy ni bunso...scrambled egg
ung pancit na specialty ng polangui...
malagkit na matamis... panghimagas
at ang special request ni cgmajah na tuyo...
lahat ng food namin denden friendly...
pagkatapos mag almusal, pumanhik muna kami sa third floor ng bahay... sa spiral staircase kami dumaan... may garden pala sa taas...
cloudy nung araw na yon kaya di namin naaninag si daragang magayon... o ang Mayon Volcano...
unang pinuntahan namin ang CWC ~ CamSur Watersports Complex... nag abang kami ng bus....
at kapangalan pa ng fiance ni sheena ang bus ha...
di pa rin pinalagpas ang picture taking sa loob ng bus...
kahit tulog di pinalampas ni denden ang mga girls...
eto ung scenery na nakita namin... ung mga gising ha...
at kapangalan pa ng fiance ni sheena ang bus ha...
di pa rin pinalagpas ang picture taking sa loob ng bus...
kahit tulog di pinalampas ni denden ang mga girls...
eto ung scenery na nakita namin... ung mga gising ha...
tapos nag tricycle kami papasok ng CWC... ang ganda ng place... kahit na manmade ung mga water bodies dun...
hindi namin alam dun pala ang IronMan gaganapin ng mga araw na yun...
of course, nag souvenir shot din kami sa welcome sign... ang ganda kasi ng collage
dahil ginutom sa byahe... nag decide kaming kumain muna... after namin magbigay ng order sa server... nag photoshoot ulit .... backdrop ang bundok at mga cottages at ang swimming pool...
habang inaantay namin ang food, natimbrehan kami ng cobra girl na andun rin si papa p... at kapag bumili raw kami ng cobra drink sa kanya... sasamahan nya sila sheena at bunso magpapicture kasama si papa p... ok game!
nandun rin si drew arellano.... kaya may photo op ulit sila sheena at bunso...
at last, pagkatapos ng isang oras na pag-aantay, dumating rin ang food... we had kare-kare...
at ang laing, na nabawasan na...gutom na kasi eh... di na maantay ang picture taking...
salamat at nakakain din sa wakas... at may cobra drink to the side
nahuli ang sisig... pero naihabol din...
at papiktyur ulit habang nakain...
pagkatapos ng kainan... kinarir na ang photo shoot...
ang unang sponsor... gatorade
pangalawang sponsor ... alaska...
sarap ng ice scramble...
nainitan ang donya...
third sponsor .... timex
sumali rin kami sa pa contest...
kapag nahulaan ang finish time ni papa p. may libreng timex... aheheh!
hindi nagpahuli ang mga girls... kaya eto nagdikit ng entries sa wall..
akalain mo un... nakachance rin si denden na mag papikatyur with papa p... shy kasi sya earlier...
at may eyeball to eyeball moment pa sila...
o di ba... kung hindi lang sabagal ung mga manong bodyguard ni papa p... naku!
eto na ung final photo sa labas ng CWC...
next stop... mga simbahan naman.... starting with the Immaculate Conception Church...
on the way sa Basilica of Our Lady of Penafrancia, may nadaanan kaming castle...
finally, ang last destination namin...
on our way back to polangui, nadaanan namin ang accident kung san namatay ang beauty queen na si Melody Gersbach ... which at that time hindi namin alam...
finally, pagdating sa bahay nila bunso, nakahanda na ang aming hapunan...inihaw na isda, gulay, at beefsteak...bicol style...
sarap!!! up next, second day ng bicol trip...




























































































































No comments:
Post a Comment